Martes, Oktubre 21, 2014

Jose Carlo Valencia



“Asyano ako, Ipinagmamalaki ko.”
Isinulat ni: Jose Carlo Valencia

Tayong mga Asyano ay kilala sa pagiging masipag, matapang at determinado saan man tayo naroroon sa mundong ito. Tayo ay matatapang at handang ipaglaban an gating sarili at karapatan. Kilala din tayong mga Asyano sa pagiging maasikaso at ito ang katangian nating Asyano na hinding – hindi maglalaho. Ito ang ilan sa mga katangian natin na ipinagmamalaki ko.

          Ako ay Asyano at ipinagmamalaki ko, tayo ay masipag, marangal at determinado sa trabaho, tulad ng mga Pilipinong OFW sa iba’t – ibang bansa. Masasabi ko ring matalino tayong mga Asyano, dahil pagdating sa teknolohiya hinding – hindi tayo nagpapahuli, kung may Apple sa ibang bansa mayroong Samsung, Nokia at iba pa sa Asya. Si Manny Pacquiao, siya ang simbolong pagiging matapang at pagiging masipag nating mga Asyano. Masasabi ko ring tapat o “loyal” tayong mga Asyano sa ating bansa dahil handa tayong mamatay at ipaglaban an gating bansa kanino man. Kilala sin tayong mga Asyano sa pagiging malikhain dahil madaming Asyanong sikat pagdating sa larangan ng pagkanta, pag-arte at sa isports dahil karamihan sa mga napapanuod natin sa telebisyon ay mga artistang Asyano, tulad ni Lea Salonga, Jackie Chan at Bruce Lee.

          Hindi natin kailangang maging perpekto upang maipagmalaki an gating sarili at pagiging Asyano, lahat tayo ay may taglay na katangian na wala ang ibang lahi. Inaamin ko na dati ay pinangarap kong pumuti ang aking kutis, tumangos ang aking ilong at tumangkad ako, ngunit pagkalipas ng panahon naunawaan ko din na hindi ko dapat ikahiya ang pagiging maitim ng aking balat, pang ang aking ilong at hindi ako masyadong matangkad. Ngayon, Ipinagmamalaki ko na Asyano ako.

Sophia Renee Cortez



“Asyano ako, Ipinagmamalaki ko.”
Isinulat ni: Sophia Renee Cortez

        Bilang isang asyano, ipinagmamalaki ko ito at dahil ito ay dapat. Kahit iba iba man ang ating mga pisikal na hitsura o katangian, masasabi ko naman na para pareho tayong magagalang at may magagandang puso.

          Ipinagmamalaki kong ako ay isang Asyano ng dahil sa kadahilanan na tayo ay nagtutulungan pag dating sa suliranin ng mga bansa. Tulad ng Japan, tinulungan natin (Pilipinas) ng sila ay nakaranas ng napakalubhang suliranin. Noong sila ay tinamaan ng isang napakalakas na tsunami, ay naglaan tayo ng konting pera sa kanila upang sa pagtulong sa kanilang pagbangon. Ng tayo din ay nangailangan, sila na ating mga kapwa Asyano ay hindi nawala sa ating tabi bagkus sila ay nagabot ng tulong. Tulad noong nagkaroon ng bagyo sa Pilipinas (Yolanda) ay tumulong halos ang mga Asyano. Ang mga Asyano ay may magagandang puso, madisiplina, tayo din ay wais o maparaan dahil sila ay nakagagawa ng ibat ibang mga produkto o gamit tulad ng teknolohiya na maaaring gamitin sa pang araw araw na pamumuhay. Maaaring isa rito ang robot na ginagamit sa ibat ibang layunin. Tayo ding mga Asyano ay matatalino kaya mabilis umunlad ang mga bansa sa Asya. Marunong tayong tumangkilik ng produkto “around” asya, tulad ng pageeksport ng pagkain, damit, gadgets, appliances at iba pa.

          Tayong mga Asyano ay may ibat ibang katangian na maaaring ibahagi sa iba. Bilang isang Asyano ay patuloy lamang nating tulungan ang isat-isa para sa katahimikan ng ating mundo. Tayo ay magtulungan at magkaisa at patuloy na dumiskubre ng mga bagay bagay sa ating kapaligiran. Huwag ikahiya ang ating lahi, bagkus taas noong ipagmalaki ito.

Angelica Razon



“Asyano ako; Ipagmamalaki ko.”
Isinulat ni: Angelica Millen Razon

          Ang asya ay ang pinakamalaking kontinente sa mundo, sapagkat sakop nito ang halos 30% ng mundo. Madaming tao ang naninirahan dito na may iba’t ibang kultura, paguugali at talento. Maraming mga magagandang bagay ang ating makikita at matutunan dito na maaari nating ibahagi sa madaming tao, na maaaring makatulong sa atin  at sa ating pangaraw araw na pamumuhay.

          Sa asya ay matatagpuan ang bansang japan na kung saan ay napakaunlad ng kanilang teknolohiya. Kahit nakakaranas sila ng mga matitinding trahedya ay naisasa-ayos naman nila agad ito dahil mayroon silang pagkakaisa. Sa bansang tsina naman ay kahit napakaraming mga naninirahan dito ay mataas naman ang antas ng kanilang ekonomiya at napakaimpluwensya ng kanilang mga namumuno dito, napakaganda ng kanilang pamamalakad ng pamahalaan dito at mayroon din silang mataas na uri ng teknolohiya hindi lamang kasingtaas ng sa bansang japan. Ang pilipinas naman ay maraming magandang tanawin na makikita dito katulad ng boracay, na madalas bisitahin ng mga turista galing iba’t ibang bansa. Hindi man mataas ang antas ng ating ekonomiya ay unti unti naman nating napapaunlad ito.

          Ang masasabi ko lang ay subukan natin maglakbay sa asya dahil madami tayong matutunang mga kultura at paguugali dito. Huwag natin ikahiyang tayo ay mga asyano dahil may mga dahilan kung bakit tayo ay naging isa dito. Aralin  natin ang kultura dito upang wala tayong masagasaan o mabanggang tao. Kaya ano pa ang hinintay mo tayo na at maglakbay sa asya! Asyano ako, Ipagmamalaki ko!    

Markyla Dizon



“Asyano ako, ipinagmamalaki ko.”

Isinulat ni: Markyla Dizon

Amerikano, Aprikano, Europeyo at Australyano. Sa dinami-rami ng mga lahi sa mundo, masaya ako na ako ay isang Asyano. Hindi man kasing puti ng mga Australyano at kasing-galing mag-Ingles ng mga Amerikano, kuntentong-kuntento na ako bilang isang Asyano. Masiyahin, pala-ngiti, mababait at magaganda ang trato sa kapwa ay ilan lamang sa mga katangian at kaugalian ng mga Asyanong tulad ko.

Sa kabila ng maraming diskriminasyon sa mga Asyano, tayo ay masaya at namumuhay na parang walang mga problema. Ipinapakita na parang maayos lang ang lahat at para bang walang pinagdadaanang pagsubok sa buhay.

Halimbawa nalang ng mga OFW, sila ay marangal na nagta-trabaho sa ibang bansa, hindi pansin kahit na sila ay malayo sa kani-kanilang mga mahal sa buhay. Napakasakit isipin, dahil sa kabila ng paghihiwalay nila sa kanilang mga pamilya’t kaibigan, sila ay sila ay nakatatanggap ng diskriminasyon. Sila ay madalas napag-iinitan ng ulo ng kanilang mga boss.  Pinaplantsa ang mukha, binubugbog at kung anu-anong bagay ang mga ipinagbabato sa kanila, masakit isipin, ngunit kailangan tanggapin.

Ako, bilang isang mag-aaral, wala akong sapat na kapangyarihan para ihinto ang bagay iyon na talagang laganap na sa buong mundo. Ngunit alam ko na kahit sa napakaliit at napakasimpleng bagay ay makatutulong ako. Tulad na lamang ng pagsusulat ng sanaysay na ito. Mailalahad ko na, ako ay isang Asyano, taas-noo, ipinagmamalaki ko.

Hindi hadlang ang sasabihin positibo man o negatibo. Hindi tayo nabibilang sa mababang antas ng lipunan. Sadyang ang ibang makikitid ang utak ay masyadong matataas ang tingin sa mga sarili nila. Sabihin natin sa kanila ang mga katagang ito: “Asyano ako, ipinagmamalaki ko.”


Lyra Decano



“Pagiging Asyano, ipinagmamalaki ko.”

Isinulat ni: Lyra Decano

   “Kahit ano man ang kulay mo, kahit sino ka man, dapat mong ipagmalaki na ikaw ay isang ASYANO” – ito marahil ang kasabihang naririnig ko sa ating mga kababayang Asyano na nagta-trabaho sa ibang lugar. Marami na rin sa atin ang nakararanas ng diskriminasyon sa ibang lugar tulad sa Europa at Amerika. Lagi nalang mababa at trato at pagtingin sa atin ng ibang lahi. Ngunit bilang isang Asyano, paano mo maipapahayag sa buong mundo na ipinagmamalaki mo ang pagiging isang Asyano?

              Alam nating lahat na ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo. Kasama nito ay ang marami nitong populasyon. Kapag narinig natin ang salitang “Asya”, marami ang pumapasok sa ating isipan. Sagana ito sa mga likas na yaman, pampalasa, mga pasyalan at iba pa. Hindi lang iyan, nakilala rin tayo sa ibang panig ng mundo. Sa larangan ng sining, pantikan, musika at palakasan, sikat din ang mga Asyano. Isa na rito si Lea Salonga na gumanap na “Kim” sa Miss Saigon, si Sitti Nurhaliza na may ginintuang tinig at puso ng Malaysia, si Yao Ming na kilala sa larangan ng basketball at si Jackie Chan na kilala sa larangan ng “martial arts”. Sa madaling saita, ang mga Asyano ay may natatanging kakayahan at may “talento”.
             
              Kung iyong mapapansin, maraming magagandang pasyalan ang makikita sa Asya. Sa aking obserbasyon, maraming dayuhan ang dumarayo rito upang mamasyal at makita ang ganda ng Asya. Marami rin mga iba’t-bang kultura at tradisyon sa nananatili pa rin hanggang sa ngayon ang makikita lang sa Asya. Isa na rito ang Animismo ng Japan, Budhismo sa China at kulturang Islam at Ifugao sa Pilipinas. At higit sa lahat, dapat nating ipagmalaki na masisispat at palaban ang mga Asyano. Hindi nila hahayaan na may mang-api sakanila. Pinagsisikapan nila na umangat sa kanilang pamilya. Handa silang magtiis para lang sa kanilang mga pamilya.

Bilang isang Asyano, maraming dahilan para ipagmalaki mo ang iyong lahi. Kahit na ikaw ay isang Asyano, hindi mo dapat hayaan na ikaw ay apihin ng ibang lahi. Ipinanganak tayo upang isigaw sa buong mundo na tayo ay Asyano. Hindi mo kailangang maging sikat o mayaman para ipagmalaki na ikaw ay isang Asyano. Kahit na ikaw ay isa lamang ordinaryong Asyano, maari mong patunayan at ipakita sa buong mundo na ikaw ay karapat dapat na irespetong Asyano.