“Asyano
ako; Ipagmamalaki ko.”
Isinulat
ni: Angelica Millen Razon
Ang
asya ay ang pinakamalaking kontinente sa mundo, sapagkat sakop nito ang halos
30% ng mundo. Madaming tao ang naninirahan dito na may iba’t ibang kultura,
paguugali at talento. Maraming mga magagandang bagay ang ating makikita at
matutunan dito na maaari nating ibahagi sa madaming tao, na maaaring makatulong
sa atin at sa ating pangaraw araw na
pamumuhay.
Sa
asya ay matatagpuan ang bansang japan na kung saan ay napakaunlad ng kanilang
teknolohiya. Kahit nakakaranas sila ng mga matitinding trahedya ay naisasa-ayos
naman nila agad ito dahil mayroon silang pagkakaisa. Sa bansang tsina naman ay
kahit napakaraming mga naninirahan dito ay mataas naman ang antas ng kanilang
ekonomiya at napakaimpluwensya ng kanilang mga namumuno dito, napakaganda ng
kanilang pamamalakad ng pamahalaan dito at mayroon din silang mataas na uri ng
teknolohiya hindi lamang kasingtaas ng sa bansang japan. Ang pilipinas naman ay
maraming magandang tanawin na makikita dito katulad ng boracay, na madalas
bisitahin ng mga turista galing iba’t ibang bansa. Hindi man mataas ang antas
ng ating ekonomiya ay unti unti naman nating napapaunlad ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento