“Asyano ako,
Ipinagmamalaki ko.”
Isinulat ni: Sophia
Renee Cortez
Bilang isang asyano, ipinagmamalaki ko
ito at dahil ito ay dapat. Kahit iba iba man ang ating mga pisikal na hitsura o
katangian, masasabi ko naman na para pareho tayong magagalang at may
magagandang puso.
Ipinagmamalaki kong ako ay isang
Asyano ng dahil sa kadahilanan na tayo ay nagtutulungan pag dating sa suliranin
ng mga bansa. Tulad ng Japan, tinulungan natin (Pilipinas) ng sila ay nakaranas
ng napakalubhang suliranin. Noong sila ay tinamaan ng isang napakalakas na
tsunami, ay naglaan tayo ng konting pera sa kanila upang sa pagtulong sa
kanilang pagbangon. Ng tayo din ay nangailangan, sila na ating mga kapwa Asyano
ay hindi nawala sa ating tabi bagkus sila ay nagabot ng tulong. Tulad noong
nagkaroon ng bagyo sa Pilipinas (Yolanda) ay tumulong halos ang mga Asyano. Ang
mga Asyano ay may magagandang puso, madisiplina, tayo din ay wais o maparaan
dahil sila ay nakagagawa ng ibat ibang mga produkto o gamit tulad ng
teknolohiya na maaaring gamitin sa pang araw araw na pamumuhay. Maaaring isa
rito ang robot na ginagamit sa ibat ibang layunin. Tayo ding mga Asyano ay
matatalino kaya mabilis umunlad ang mga bansa sa Asya. Marunong tayong
tumangkilik ng produkto “around” asya, tulad ng pageeksport ng pagkain, damit,
gadgets, appliances at iba pa.
Tayong mga Asyano ay may ibat ibang
katangian na maaaring ibahagi sa iba. Bilang isang Asyano ay patuloy lamang
nating tulungan ang isat-isa para sa katahimikan ng ating mundo. Tayo ay
magtulungan at magkaisa at patuloy na dumiskubre ng mga bagay bagay sa ating
kapaligiran. Huwag ikahiya ang ating lahi, bagkus taas noong ipagmalaki ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento