Martes, Oktubre 21, 2014

Jose Carlo Valencia



“Asyano ako, Ipinagmamalaki ko.”
Isinulat ni: Jose Carlo Valencia

Tayong mga Asyano ay kilala sa pagiging masipag, matapang at determinado saan man tayo naroroon sa mundong ito. Tayo ay matatapang at handang ipaglaban an gating sarili at karapatan. Kilala din tayong mga Asyano sa pagiging maasikaso at ito ang katangian nating Asyano na hinding – hindi maglalaho. Ito ang ilan sa mga katangian natin na ipinagmamalaki ko.

          Ako ay Asyano at ipinagmamalaki ko, tayo ay masipag, marangal at determinado sa trabaho, tulad ng mga Pilipinong OFW sa iba’t – ibang bansa. Masasabi ko ring matalino tayong mga Asyano, dahil pagdating sa teknolohiya hinding – hindi tayo nagpapahuli, kung may Apple sa ibang bansa mayroong Samsung, Nokia at iba pa sa Asya. Si Manny Pacquiao, siya ang simbolong pagiging matapang at pagiging masipag nating mga Asyano. Masasabi ko ring tapat o “loyal” tayong mga Asyano sa ating bansa dahil handa tayong mamatay at ipaglaban an gating bansa kanino man. Kilala sin tayong mga Asyano sa pagiging malikhain dahil madaming Asyanong sikat pagdating sa larangan ng pagkanta, pag-arte at sa isports dahil karamihan sa mga napapanuod natin sa telebisyon ay mga artistang Asyano, tulad ni Lea Salonga, Jackie Chan at Bruce Lee.

          Hindi natin kailangang maging perpekto upang maipagmalaki an gating sarili at pagiging Asyano, lahat tayo ay may taglay na katangian na wala ang ibang lahi. Inaamin ko na dati ay pinangarap kong pumuti ang aking kutis, tumangos ang aking ilong at tumangkad ako, ngunit pagkalipas ng panahon naunawaan ko din na hindi ko dapat ikahiya ang pagiging maitim ng aking balat, pang ang aking ilong at hindi ako masyadong matangkad. Ngayon, Ipinagmamalaki ko na Asyano ako.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento