Martes, Oktubre 21, 2014

Angelyn Castro



“Asyano ako, Ipinagmamalaki ko.”
Isinulat ni: Angelyn Castro

          Marami sa atin na Asyano ang pumupunta sa ibang bansa para mag-enjoy, Makita ang kanilang pamilya, magtrabaho at marami pang iba, subalit sa pagpunta nila doon sila ay binabalewala, sinusumbatan, ang kanilang kakayahan ay hindi ipinagmamalaki at ikinagagalit sila ng karamihan kaya hindi nila ipinagmamalaki ito at madalas itinatago nila ang tunay na lahi nila. Sa sanaysay na ito ipapaliwanag ko sa iba pa nating kapwa Asyano na nasa ibang bansa na dapat lang natin ipagmalaki at sabihin na “Asyano Ako!”.
         
          Maraming dahilan kung bakit ipinagmamalaki ko na ako’y isang Asyano ngunit sa ngayon ay magbibigay muna ako ng tatlo: Una, ang balat natin na kayumangi, tayong mga Asyano ay hindi na kailangan magpa-tan ng balat dahil nasa lahi na talaga natin ito. Pangalawa, ang pagiging “hospitable” natin, Maraming tao sa ibang bansa ang gusto ng ganitong “quality of service” para umunlad ang kanilang kabuhayan o kaya magkaroon ng mga kaibigan. Pangatlo, ang “fighting spirit” natin, tignan natin si Manny Pacquiao kahit siya ay nasasabihan ng maliit at hindi niya kayang mag-boxing, nagpursige siya para maipakita niya sa mga tao na kahit maliit siya, kaya pa rin niya ito at naipakita naman niya ito sa atin ng ilang beses dahil sa kaniyang mga panalo.

          Ang tatlong dahilan na iyon ang gusto kong maipahiwatig sa kapwa kong mga Asyano para hindi na nila kailangan itago ang tunay na lahi nila kundi ipagmalaki nila ito. Dapat hindi tayo magpadala sa mga sinasabi ng mga tao tungkol sa atin dahil hindi pa naman nila tayong nakikita kung ano ang kaya nating gawin. Ipagmalaki natin ng lubusan ang pagiging Asyano natin dahil isa ito sa pinakamagandang lahi sa buong mundo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento