“Pagiging Asyano,
ipinagmamalaki ko.”
Isinulat ni: Lyra
Decano
“Kahit ano man ang kulay mo, kahit
sino ka man, dapat mong ipagmalaki na ikaw ay isang ASYANO” – ito marahil ang
kasabihang naririnig ko sa ating mga kababayang Asyano na nagta-trabaho sa
ibang lugar. Marami na rin sa atin ang nakararanas ng diskriminasyon sa ibang
lugar tulad sa Europa at Amerika. Lagi nalang mababa at trato at pagtingin sa
atin ng ibang lahi. Ngunit bilang isang Asyano, paano mo maipapahayag sa buong
mundo na ipinagmamalaki mo ang pagiging isang Asyano?
Alam nating lahat na ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo.
Kasama nito ay ang marami nitong populasyon. Kapag narinig natin ang salitang
“Asya”, marami ang pumapasok sa ating isipan. Sagana ito sa mga likas na yaman,
pampalasa, mga pasyalan at iba pa. Hindi lang iyan, nakilala rin tayo sa ibang
panig ng mundo. Sa larangan ng sining, pantikan, musika at palakasan, sikat din
ang mga Asyano. Isa na rito si Lea Salonga na gumanap na “Kim” sa Miss Saigon,
si Sitti Nurhaliza na may ginintuang tinig at puso ng Malaysia, si Yao Ming na
kilala sa larangan ng basketball at si Jackie Chan na kilala sa larangan ng
“martial arts”. Sa madaling saita, ang mga Asyano ay may natatanging kakayahan
at may “talento”.
Kung iyong mapapansin, maraming magagandang pasyalan ang makikita sa Asya. Sa
aking obserbasyon, maraming dayuhan ang dumarayo rito upang mamasyal at makita
ang ganda ng Asya. Marami rin mga iba’t-bang kultura at tradisyon sa nananatili
pa rin hanggang sa ngayon ang makikita lang sa Asya. Isa na rito ang Animismo
ng Japan, Budhismo sa China at kulturang Islam at Ifugao sa Pilipinas. At higit
sa lahat, dapat nating ipagmalaki na masisispat at palaban ang mga Asyano.
Hindi nila hahayaan na may mang-api sakanila. Pinagsisikapan nila na umangat sa
kanilang pamilya. Handa silang magtiis para lang sa kanilang mga pamilya.
Bilang isang Asyano,
maraming dahilan para ipagmalaki mo ang iyong lahi. Kahit na ikaw ay isang
Asyano, hindi mo dapat hayaan na ikaw ay apihin ng ibang lahi. Ipinanganak tayo
upang isigaw sa buong mundo na tayo ay Asyano. Hindi mo kailangang maging sikat
o mayaman para ipagmalaki na ikaw ay isang Asyano. Kahit na ikaw ay isa lamang
ordinaryong Asyano, maari mong patunayan at ipakita sa buong mundo na ikaw ay
karapat dapat na irespetong Asyano.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento