“Asyano
ako, Ipinagmamalaki ko.”
By:
Justin Stephen Castaneda
Bakit ko ba
dapat ipagmalaki na ako ay isang Asyano? Ano ba ang meron ang isang Asyano?
Sino-sino ang mga nakilalang Asyano? Sa sanaysay na ito malalaman mo ang sagot
sa mga katanungang ito.
Ako ay isang
Pillipino at ipinagmamalaki ko na ako ay isang Asyano dahil kami ay mababait,
mapagbigay, matulungin, magalang, masipag, matiyaga at rumerespeto sa aming mga
kapwa. Ipinagmamalaki ko na ako’y isang Asyano na nakatira sa Asya kung saan
may mayayamang kultura at tradisyon, magagandang tanawin, lugar at pook
pasyalan, huwarang mga tao at mayroong ding magagandang kalidad ng mga produkto
at marami pang iba.
Sa kabila ng
mga positibong kalagayan ng mga Asyano, meron pa ring talagang sadyang naiinis
at sumisira sa ating puri at dangal.
May mga taong dinidiskrima at
humuhusga sa atin. Halimbawa nito
ay ang kulay ng ating balat,
pinag-aralan at iba pa. Ngunit sa kabila nito, nananatili pa rin tayong matatag
upang malagpasan ang mga pagsubok na ito.
Marami ring
mga Asyano na kilala sa iba’t ibang larangan. Kagaya ni Manny “Pacman” Pacquiao
na isa ring Pilipino gaya ko at isang boksingero, isa ring kampeon. Si Jeremy
Lin at Yao Ming na parehong Chinese at mga manlalaro ng NBA. Si Charice
Pempengco na isang Pilipino rin at sikat na mang-aawit. Lahat sila ay
ipinagmamalaki na sila’y lahing Asyano. Ngunit sila lamang ang aking maibibigay
na mga kilalang tao dahil napakarami pang mga kilalang tao na may kakaiba at
natatanging mga talent.
Kahit anung
lahi ka pa, ipagmalaki mo. Ipinanganak ka upang ipagmalaki mo ang iyong lahi.
Huwag manghusga ng ibang lahi. Pagyamanin ang sariling kultura, tradisyon, at
lahi. Binigyan tayo ng buhay ng Diyos upang tulungan at mahalin ang isa’t isa,
at hindi manghusga at manira ng puri ng iba.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento