Martes, Oktubre 21, 2014

Joaquin Luis David


“Asyano ako, Ipinagmamalaki ko.”
Isinulat ni: Joaquin Luis David

            Marahil ika'y isang asyano, maraming mga katangian na pwedeng ipagmalaki kahit pa sa ibang bansa. Kilala ang mga asyano sa pagiging malikhain, dahil dito, ito ay nagtuturing dahilang kung bakit unti-unting umuunlad tayong mga asyano. Tayo ay may iba't ibang tanging katangian at galing na maaaring ipagmalaki, subalit ang iba ay hindi ito ginagamit at napapariwara sa buhay, dahilan ba ito kung bakit hindi maipagmalaki ng iba na sila ay isang asyano?

            Ang nagaganap na rally ngayon sa Hongkong at ang mga people power sa Pilipinas ay patunay ng ating pagnanasang lumaya, tayo ay mapagmahal sa ating bansa at gagawin ang lahat para ito'y protektahan at alagaan. Tayong mga asyano ay kilala sa pagiging masipag, maparaan at malikhain. Madaming katangian ang mga asyano na pwedeng gamitin. Maituturing na seryoso sa paghahanda ang mga asyano sa kanilang mga tradisyon, binibigyan nila ito ng pagpapahalaga. Maraming kultura ang makikita masayang malaman na tayong mga tao ay pinapahalagahan pa ito at patuloy na ginagawa ito. Maipagmamalaki din natin ang teknolohiya, sining at agrikultura natin. Tayo rin ay maiituturing na masayahin, palakaibigan at mapagmahal.

            Dahil sa mga ito, tayo ay patuloy na umuunlad at inaasahan ko na balang araw ito ay magpapatuloy pa. Ito ang mga dahilan kung bakit ko ipinagmamalaki na ako ay isang asyano, tunay na tayo ay magaling at maaasahan sa mga bagay at tayo ay mapagkakatiwalaan ng mga tao.

1 komento: